Fresh na fresh at punong-puno ng saya kung ilarawan nina Vice Ganda, Kris Aquino at AiAi delas Alas ang first movie team-up nilang “Sisterakas,” ang biggest Christmas comedy offering ng Star Cinema at Viva Films para sa buong pamilya ngayong Kapaskuhan. Sa ilalim ng direksyon ng box-office comedy director na si Wenn V. Deramas, mapapanood na ang “Sisterakas” sa mga sinehan nationwide sa December 25, 2012 (Tuesday) kasabay ng iba pang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF).
“Pano mo ba ie-explain kung gaano ka-hilarious ‘yung isang pelikula na nandun si AiAi na queen of comedy, nandun si Vice na super patawa araw-araw, at si Kris na nagbaliw-baliwan dun sa pelikula?” patanong na hirit ng Unkabogable Box-Officer Star na si Vice Ganda na gaganap sa “Sisterakas” bilang si Bernice ang “lord of the apparels industry” at may-ari ng kumpanyang Ponytale, na pinakamatinik na kakompetensiya sa negosyo ng equally successful na si Roselle at ang hindi nakilalang half-sister ng madiskarteng nanay na si Detty na gagampanan naman ni AiAi.
“Masaya ‘yung experience namin habang ginagawa itong ‘Sisterakas.’ Tawanan lang kami nang tawanan, harutan lang kami ng harutan. Tsaka masaya ito kasi bagong Kris Aquino ang mapapanood nating lahat, kung kami nga lang, kapag nakikita namin siya natutuwa kami sa kaniya,” dagdag ni Vice Ganda.
Ayon naman kay Kris Aquino, na for the first time ay gaganap na kontrabida sa isang pelikula, perfect for the whole family ang unkabogable comedy movie event nila nina Vice at AiAi. “During the past two festivals kasi PG-13 ‘yung ginawa ko. This is my first GP talaga, kaya happy ang anak ko dahil walang patayan, walang dugo,” proud na pahayag ng Queen of All Media. “Ang maganda sa ‘Sisterakas,’ from lolo all the way to apo ay mag-e-enjoy. At the end of the day, llike any movie from Star Cinema, this is really for the Filipino family. Mararamdaman niyo dito kung ano ang pinagdadaanan ng bawat nilalang para mapaligaya ang magulang niya, maalagaan ang mga anak niya, maibangon ang sarili niya.”
Tulad ni Kris Aquino, ipinagmamalaki rin ng Comedy Queen na si AiAi delas Alas ang pagiging family movie ng “Sisterakas.” Aniya, “Although dedicated mother pa rin ang role ko dito, tungkol sa mag-sisters ang kwento. So first time ko magkakapelikulang tungkol sa magkapatid.”
“Sa panahon ngayon, the best thing to share is love,” dagdag ni AiAi delas Alas. “At ngayong Pasko, napakasaya na tumatawa tayo and at the same time puno ng pagmamahal ang nararamdaman natin.”
Samantala, tiniyak Direk Wenn Deramas na sulit na sulit ang katatawanang hatid ng “Sisterakas” mula simula hanggang ending. “Ngayon ka lang makakakita ng ganitong klaseng pelikula at ng ganitong klaseng tema ngayong Pasko,” ani Direk Wenn Deramas. “For the spirit of Christmas, wag muna nating problemahin ang mundo. Humalakhak muna tayo kasi kaarawan ng Diyos. Magandang regalo ‘yung mapatawa mo ang mga mahal mo sa buhay.”
Bukod kina Vice Ganda, Kris Aquino at AiAi delas Alas, bahagi rin ng “Sisterakas” ang Kapamilya child wonder na si Xyriel Manabat at ang sensational teen stars na bida ng “Princess and I” na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Huwag palampasin ang unkabogable Christmas gift ng Star Cinema at Viva Films na makapagpapahalakhak sa buong pamilya ngayong Holiday season, ang “Sisterakas” na mapapanood na sa mga sinehan nationwide simula December 25,2012.