Kalkuladong tirada at galing sa pag-asinta, isasantabi muna dahil ang pag-aaralan sa MP Featuring Sport Science ay … Tsamba!
Sa larong kailangan ng galing sa pagkalkula ng layo at lakas ng tirada, uso rin daw ang pag-shoot nang tsamba!
Ang matinding buzzer beater shot ng basketbolistang si Byron Eaton, maulit pa kaya niya?
Alamin ang top 4 best tsamba shots sa PBA!
Sinu-sino ang mga sinuwerte?
Mas kilalanin pa ang PBA Superstar at Kapuso host na si Chris Tiu. May mga tirada na rin ba siyang idinaan sa tsamba?
Panoorin ang isa sa pinakapambihirang tsamba shot sa kasaysayang ng sports sa buong mundo!
Baseball or tirador? Ang pitch na sobrang tsamba, 1 in 19 billion times ang posibilidad na ito ay muling magawa!
Tsamba o likas na magaling lang talaga?
Ang kakaibang goal ng football superstar na si Ronaldinho Queretaro, pag-aaralan at susubukan gawin ng sport science!
Kung ikaw ay 6-time world champion at Guinness World Record holder, may lugar pa kaya para sa tsamba sa laro mo?
Alamin yan mismo kay Filipino bowling great Paeng Nepomoceno!
Sef-perman vs. B-ball gang!
May maibubuga kaya si Sef Cadayona sa larong basketball laban sa team ni Bitoy? Madaan kaya ni Sef sa tsamba ang laro niya?
Richard Gomez, ipakikita ang bagong sport na kinahuhumalingan.
Spike, block at sweep kasama si Goma!
At Solenn Heussaff, ipakikitang walang tsamba-tsamba sa pagpapanatili ng kanyang figure! Magpapawis at magpapayat sa workout ni Solenn kasama ang kanyang trainor sa circuit training!
Sa sports minsan talaga may tsamba pero sa MP featuring Sport Science walang tsamba-tsama dahil siguradong laging may matututunan ka
Kaya tutok na ngayong linggo ng gabi sa SNBO!