Orange Magazine
  • Home
  • Advocacies
  • Arts & Culture
  • Entertainment
    • Books
    • Events
    • Gaming
    • Concerts
    • Movies
    • Music
    • Magazines
    • Theaters
    • TV
    • Tech
  • Lifestyle
    • Beauty & Wellness
    • Fashion & Brands
    • Food & Beverage
    • Home & Living
  • Featured
    • Exclusives
    • Interviews
    • Covers
    • Press Releases
    • Promos
  • About
  • Contact Us
Facebook X (Twitter) Instagram
Orange MagazineOrange Magazine
  • Home
  • Advocacies
  • Arts & Culture
  • Entertainment
    • Books
    • Events
    • Gaming
    • Concerts
    • Movies
    • Music
    • Magazines
    • Theaters
    • TV
    • Tech
  • Lifestyle
    • Beauty & Wellness
    • Fashion & Brands
    • Food & Beverage
    • Home & Living
  • Featured
    • Exclusives
    • Interviews
    • Covers
    • Press Releases
    • Promos
  • About
  • Contact Us
Orange Magazine


Home»Advocacies»BDO Network Bank, tuloy ang suporta sa MSMEs sa pagsulong ng ekonomiya
Advocacies

BDO Network Bank, tuloy ang suporta sa MSMEs sa pagsulong ng ekonomiya

Team OrangeBy Team OrangeDecember 10, 2021No Comments3 Mins Read
Facebook Twitter Pinterest
Share
Facebook Twitter LinkedIn Pinterest Email

Dahil sa tulong ng BDONB Kabuhayan Loan, natuloy ang planong business expansion ni Virgilio De Guzman. Bukod sa chicharon, nagbebenta na rin siya ng plasticware at soap products sa kaniyang tindahan.

Sa kabila ng matinding epekto ng pandemya, ang micro-SMEs (MSMEs) pa rin ang nanatiling taga-sulong ng ekonomiya ng bansa. Kaya patuloy lang ang suporta ng BDO Network Bank (BDONB) upang masiguro na hindi titigil ang kanilang business operation.

“Ang BDO Network Bank ay committed sa pagtulong sa mga MSME dahil importante ang kanilang pag-unlad hindi lamang sa kanilang negosyo, pati na rin sa pagbibigay ng trabaho sa nakakarami sa komunidad,” ani BDONB senior vice president at MSME Group Head Karen Cua.

Ang BDONB ay community bank ng BDO Unibank na nagbibigay serbisyo sa mga taong nasa malalayong lugar at hindi naabot o hindi sapat ang serbisyong nakukuha mula sa regular na bangko.

Ang MSMEs ang nagpapatakbo ng ekonomiya ng komunidad dahil sa kanila nagmumula ang pangkabuhayan ng lokal na mamamayan, pati na rin ang mga mahahalagang produkto at serbisyo, paliwanag ni Cua.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang MSMEs ay 99.5% ng mga negosyo sa buong bansa, kung saan 62.4% ng mga trabaho ang nanggaling sa kanila. Ang datos na ito ang nagpapatunay kung bakit kailangan nila ng suportang pinansyal para maipagpatuloy ang negosyo.

Katatagan sa gitna ng pagsubok

Ayon kay Cua, ang mga MSME ay kilala sa pagiging matatag lalo na ngayong pandemya at matiyaga sa pagpapatakbo ng negosyo para masuportahan ang pamilya at ang komunidad.

“Ang mga essential businesses ay nag-adapt sa new normal at sinimulan ang pagbebenta ng kanilang produkto at serbisyo sa pamamagitan ng online selling o streaming, habang ang mga non-essential businesses naman ay nag-shift sa pagbebenta ng essential goods and services,” dagdag pa nya.

Kasama sa pag-unlad

Bilang ka-partner ng mga MSME sa paglago ng kanilang negosyo, ang BDONB ay nagbibigay ng tulong sa pamamagitan ng Kabuhayan Loan. Ito ay maaaring gamitin na pandagdag puhunan para sa pagbili ng additional stocks, sa pagpapalaki ng negosyo at sa pagbili ng mga gamit tulad ng delivery trucks at iba pang mga equipment.

Paliwanag ni Cua, mabilis at simple lamang ang application process ng Kabuhayan Loan at ito ay nagpapautang ng hanggang P1 million. Bukod dito, ang Kabuhayan Loan ay may abot-kayang monthly installment options at nagbibigay ng mga karagdagang kaalaman tungkol sa financial management upang ma-maximize ang kapital ng mga negosyante.

Ilan sa mga napiling borrowers ng BDONB ngayon taon ang nabigyan ng BDONB ng free insurance coverage at Kabuhayan Package mula sa SM Appliance at SM Supermarket.

bangko sentral ng pilipinas BDO Network Bank bdo unibank BDONB Kabuhayan Loan Kabuhayan Package
Share. Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
Team Orange
Team Orange

TEAM ORANGE is Orange Magazine TV's select contributors. It also contains Press Releases. Please follow @OrangeMagTV on Twitter for other updates.

Related Posts

PLDT sends employees to TikTok school

June 7, 2025

Green innovations power better PLDT and Smart services for Filipinos

June 7, 2025

Never Miss a Beat: 3 Reasons You Need a Failsafe Internet Backup at Home

June 7, 2025

Leave A Reply Cancel Reply

Facebook X (Twitter) Instagram
© 2025 OrangeMagazine.ph.

Type above and press Enter to search. Press Esc to cancel.