Kung meron mang isang bagay na naituro sa ating mga Pilipino ang pandemyang ito, iyon ay sa gitna ng anumang kagipitan, walang raket na maliit para sa mga nagnanais na kumita at mapaunlad ang kanilang buhay–at magdala ng good vibes sa pamilya at mga minamahal.
Kaya naman, para sa mga patuloy na naghahanap ng paraan para kumita o lumago pa ang kanilang raket life, ito ang ilan sa mga popular na online raket na pwede mong subukan ngayon:
- Online Selling – Ang online selling ay isa sa mga pumatok na raket ng magsimula ang pandemya. Ang mga Online Sellers–marami sa kanila ay mga naging self-made entrepreneurs–ang naka-realize na sa pamamagitan lamang ng mobile phones, madali nang makahanap ng mapagbebentahan ng iba’t ibang produkto–mapa-damit, pagkain, beauty or home essentials man ‘yan.
- Online or Remote Freelancing – Next to eCommerce, dumami rin ang iba’t ibang online and remote work platforms na nagbunga ng bagong breed of Freelancers. From being a virtual assistant to writing to creating graphic designs, to hosting online events and even conducting tutoring sessions, ang ma-diskarteng raketero ay laging on the lookout for the next big raket, without having to leave the safety of home.
- Play-to-Earn and Live Streaming – Para sa mga gustong gamitin ang kanilang talento para kumita, sa pag-livestream on different apps like Kumu, or paglalaro ng mga online games katulad ng Axie Infinity, you can now earn habang ineenjoy ito online. Gaya na lamang ng mga natunghayan natin na Pinoy online gamers sa nakaraang UGG Axie Tournament noong March 31- April 4, na ipinalabas ng LIVE sa TM Tambayan Facebook page bilang suporta sa mga players na nagpakita ng galing sa paglalaro habang kumikita on the side.
- On-demand Services – Naging uso rin lately ang pagbu-book ng mga services “on-demand”. Sila yung mga kuya at ate na pwedeng tumulong sa iyong iba’t ibang pangangailangan mapa-ride share, pasabuy, food delivery, o cleaning man ‘yan. Sila ang literal na nagpapagaan ng buhay ng maraming Pinoy sa kabila ng maraming challenges ng pandemya.
With these opportunities now accessible to Filipinos, there’s no way to go but up para sa mga raketeros. The question now is: Paano pa mapapalago ang mga oportunidad na ito online?
Ang sagot: TM is the key!
Ngayong 2022, you can find more ways para ma-achieve ang iyong raket goals sa pamamagitan ng bagong TM EasySurf FunRaket pack! Sa dami ng app offerings at content na siniksik dito, ito na ang maituturing na ultimate partner ng bawat raketero at raketera sa buong bansa.
Ang EasySurf50 FunRaket gives subscribers 5GB data allocation—2GB of data (open access) + 3GB (1GB FunRaket partner apps), valid for three days! Kasama din dito ang partner apps na guaranteed to help you upgrade your raket-related activities katulad ng:
- Online selling (FB, Lazada, Shopee);
- Managing your finances (GCash, GLoans);
- Exploring new raket platforms (Kumu, Foodpanda, Jobstreet); or
- Product deliveries (Grab)
“Layunin namin to help our raketeros to keep the BV away dala ng pandemic by making sure that they have access to all their raket needs gamit lang ang TM offers,” ani Eric Leif Tanbauco, VP for Consumer Mobile Prepaid ng Globe Telecom. “Pag ka-TM at ‘pag naging ka-TM ka na, mas pina-easy na ang pag-achieve ng GV kaya gumagaan ang life araw-araw!”
Aside from the New EasySurf FunRaket pack, available na rin sa mga gustong maging Ka-TM ang new TM LTE/5G-ready sim, ang pinakakumpletong sim offering ng TM na may libre agad na:
- Up to 10GB of Data with all net calls and SMS valid for 15 days;
- 6GB Data Allocation (400mb//Day) for seven days;
- 30 minutes calls to all networks and Unli-AllNet Texts; and
- A Funaliw Pack that provides access to FB, ML, Tiktok, YouTube.
In total, maaari mong ma-enjoy ang freebies ng TM LTE/5G-ready SIM na umaabot sa 10GB + 10 Rewards Points + P10 GCash Credits—lahat iyan sa halagang P30 lang! Sulit na sulit na para maumpisahan ang raket na mapipili mong simulan.
“With the new TM EasySurf FunRaket pack at TM LTE/5G-ready SIM, wala nang makakapigil pa para maabot mo ang iyong raket goals. Always remember: TM is the key!” dagdag ni Tanbauco.