It’s confirmed — si Manila Vice Mayor Yul Servo ang kakwentuhan ng beteranang broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas sa newest episode ng Korina Interviews this Sunday, September 8.
“A million dollar smile,” — ‘yan ang bansag kay Yuk sa mundo ng showbiz!
Ipapakita ni Yul sa kauna-unahang pagkakataon ang bahay kung saan siya lumaki. At bawat palapag daw ng bahay na ito ay may kuwento na related sa kanyang journey.
Pero bago niya nakamit ang tagumpay sa showbiz at pulitika, ano nga ba ang kanyang naging buhay?
Makulay ang naging kabataan sa mga pasilyo ng Binondo.
Minsan siyang naging side-car driver; nag-benta ng tubig sa Recto; naging taga-linis ng gulay; mananahi; taga-repair ng makina sa tahian; tubero, electrician; at kung anu-ano pa.
Alamin din kung paano ba si Yul bilang asawa, tatay, pintor, creative artist, skateboarder, at Vice Mayor ng Maynila.
Silipin natin ang pribado at pampublikong buhay ni Manila Vice Mayor Yul Servo only on Korina Interviews this Sunday, September 8, 6pm on NET25!