It’s a plantita weekend this Sunday, July 7, on Korina Interviews with the one and only Nova Villa!
You heard it right – Nova and Korina Sanchez-Roxas will be having a gardening session together with major chikahan! Bakit nga ba siya ang tinaguriang lucky charm ng industriya? Lahat daw kasi ng pelikula at serye niya, blockbuster at super high rating! Ano ang sikreto para tumagal sa showbiz? At siyempre, shinare niya ang kanyang top 3 major secret wishes na binigay sa kanya ng Diyos! Nakakagulat ang revelation na ito!
Sa edad na 70, malakas pa siya! Ang dami niyang helpful advice on career, adulting, and marriage. Hindi rin siya nakaligtas sa mga pagsubok ng buhay. Ano ang kanyang payo para malagpasan ang mga pagsubok ng buhay at paano nga ba siya na-discover ng Da King na si Fernando Poe Jr.?
Punong-puno ng wisdom ang ating kuwentuhan ngayong Sunday kaya tutok na sa Korina Interviews, 6:00 p.m. after the rom-com series Goodwill only on NET25!