February 2025 na! At painit ng painit ang ang mga pasabog sa latest episode ng Korina Interviews this Sunday, February 2, 6:00 PM on NET25!
At yayanig to the highest levels ang episode ng Korina Interviews ngayong Linggo dahil makakasama ni Korina Sanchez-Roxas ang nag iisang Asia’s Song Bird na si Regine Velasquez-Alcasid!
Alamin ang mga pinagdaanan niya sa kanyang buhay — ang highs at lows at pati na rin ang kanyang mga hugot!
Na-paralyze daw ang kanyang vocal cords? Bakit?
Higit sa 300 na singing contest ang sinalihan noon maabot lang ang pangarap na maging singer!
Totoo nga! Nilulubog siya sa dagat ng kanyang tatay para matutong kumanta!
At ano ang kwento sa likod ng mga hit songs niya?
Lahat yan at marami pang iba ang todo chikahan sa Korina Interviews ngayong Linggo, 6pm pagkatapos ng romcom series na Goodwill only Net25!