Ngayong Linggo sa info-tainment show na nakatutok sa palakasan, ang MP FEATURING SPORT SCIENCE!
Ihahatid ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at ng kanyang co-host na si Solenn Heussaff ang iba’t ibang kuwento tungkol sa diskarte pagdating sa palakasan!
Mula sa SPORT SCIENCE:
Sa tulong ng NBA sharpshooter na si Jason Kaponos, aalamin natin kung kaya nga bang tumira nang simbilis ng pagkurap ng mata!
Ang kinatatakutang ‘Black Widow’ ng bilyaran, Jeanette Lee, susubukang makashoot ng sandosenang bola sa isang tira!
Anong bola nga ba ang mas madaling gamitin para pumektus – ang baseball o soccer ball? Yan ang aalamin ng mga eksperto kasama ang dalawang world-class athletes!
Abangan din ang mga astig na Kapuso leading ladies:
Ibibida ni Kylie Padilla ang sport na MUAY THAI. Maaari nga ba itong magamit bilang self-defense?
Haharurot naman si Rhian Ramos at ipapakita kung ano ang tamang diskarte para bumida sa RACE CAR DRIVING.
Magpapakuwela rin si Sef Cadayona sa kanyang BLINDFOLD TENNIS CHALLENGE. May matamaan kaya siyang bola o mauwi ang challenge sa disgrasya?
Samahan din ang kiddie Kapuso stars ng Tropang Potchi na sina Lenlen Frias at Miggy Jimenez. Ipapamalas nila ang kanilang galing sa SWIMMING at BASKETBALL.
Ang astig na 2014 Le Tour de Filipinas overall winner na si Mark Galedo, ipapakita rin ang kanyang champion na diskarte sa ROAD BICYCLE RACING.